Lunes, Agosto 4, 2008

Paalala ukol sa Reserbasyon para sa KRITIKIM

1) Ang huling araw para sa reserbasyon ay sa Miyerkules, 6 Agosto 2008. Hanggang 10 PM lamang. Maaari pa ring magpalit ng reserbasyon hanggang sa petsang ito.

(Pero siyempre, siguruhing BUO NA ANG ISIP ninyo kapag nagpareserba para hindi na kayo maabala sa paghihintay ng pag-apruba sa mga nais ninyong pagbabago.)


2) Ito na lamang ang mga klaseng wala pang reserbasyon (umaga ng 4 Agosto 2008):

1I
4G


3) Para sa klaseng 1O: mayroong nagpareserba sa inyo noong Biyernes, 1 Agosto 2008, 1:20 PM sa labas ng ITC. Ang sinabi niyang ulam ay DINUGUAN. Pero dahil makailang beses kayong nag-post na PAPAITAN ang gusto ninyong ipareserba, ito na ang ipinalit sa inyong reserbasyon. (Tingnan ang post na Reserbasyon para sa Kritikim.)

4) Para sa klaseng IC: Huwag kayong mag-alala, na-apruba na ang inyong reserbasyon ng sinigang na baboy.

Biyernes, Agosto 1, 2008

IMPORTANTENG PAALALA KAUGNAY NG RESERBASYON PARA SA PISTAMBAYAN


Para sa mga hindi pa nakapagpapareserba at mga hindi pa naaprubahang reserbasyon sa PISTAMBAYAN, bibigyan lamang kayo ng palugit hanggang SABADO, ika-2 ng Agosto, 2008 sa ganap na 12 n.h. para magpareserba ng inyong motif.

Ang hindi makapagpapareserba ay HINDI NA LALAHOK sa patimpalak.

*Kung sakali mang hindi na kayo makaabot para maging lahok sa patimpalak, kinakailangan n'yo pa ring disenyuhan ang inyong mga pasilyo at hintaying mamarkahan ito ng inyong guro sa Filipino. WALANG DISENYO,WALANG MARKA PARA SA HATID.

Salamat.

Pre-screening ng Harana sa Unang Taon

Sa mga klaseng 1CDEGHIJL,
at sa lahat ng may balak MAGPALIT ng KANTA,

Dahil wala pa kayong reserbasyon sa HARANA
sa kabila ng pulong-ambulansya noong Biyernes,

KAILANGAN NINYONG PATUNAYAN sa akin
na kaya na ninyong magtanghal
nang may karapat-dapat na kalidad
sa Martes
sa harap ng mga ka-batch ninyo
at sa harap ng mga imbitado nating magagaling at magagandang hurado.

Haranahin ninyo ako
Lunes 4 Agosto 2008 345-430 n.h.
sa labas ng bandroom

(unang palapag ng 2nd year wing).

Nakasalalay rito
KUNG PAPAYAGAN KAYONG MAGTANGHAL O HINDI
sa mismong paligsahan.

BY ORDER: management