Lunes, Agosto 4, 2008
Paalala ukol sa Reserbasyon para sa KRITIKIM
(Pero siyempre, siguruhing BUO NA ANG ISIP ninyo kapag nagpareserba para hindi na kayo maabala sa paghihintay ng pag-apruba sa mga nais ninyong pagbabago.)
2) Ito na lamang ang mga klaseng wala pang reserbasyon (umaga ng 4 Agosto 2008):
1I
4G
3) Para sa klaseng 1O: mayroong nagpareserba sa inyo noong Biyernes, 1 Agosto 2008, 1:20 PM sa labas ng ITC. Ang sinabi niyang ulam ay DINUGUAN. Pero dahil makailang beses kayong nag-post na PAPAITAN ang gusto ninyong ipareserba, ito na ang ipinalit sa inyong reserbasyon. (Tingnan ang post na Reserbasyon para sa Kritikim.)
4) Para sa klaseng IC: Huwag kayong mag-alala, na-apruba na ang inyong reserbasyon ng sinigang na baboy.
Biyernes, Agosto 1, 2008
IMPORTANTENG PAALALA KAUGNAY NG RESERBASYON PARA SA PISTAMBAYAN
Ang hindi makapagpapareserba ay HINDI NA LALAHOK sa patimpalak.
*Kung sakali mang hindi na kayo makaabot para maging lahok sa patimpalak, kinakailangan n'yo pa ring disenyuhan ang inyong mga pasilyo at hintaying mamarkahan ito ng inyong guro sa Filipino. WALANG DISENYO,WALANG MARKA PARA SA HATID.
Salamat.
Pre-screening ng Harana sa Unang Taon
at sa lahat ng may balak MAGPALIT ng KANTA,
Dahil wala pa kayong reserbasyon sa HARANA
sa kabila ng pulong-ambulansya noong Biyernes,
KAILANGAN NINYONG PATUNAYAN sa akin
na kaya na ninyong magtanghal
nang may karapat-dapat na kalidad
sa Martes
sa harap ng mga ka-batch ninyo
at sa harap ng mga imbitado nating magagaling at magagandang hurado.
Haranahin ninyo ako
Lunes 4 Agosto 2008 345-430 n.h.
sa labas ng bandroom
(unang palapag ng 2nd year wing).
Nakasalalay rito
KUNG PAPAYAGAN KAYONG MAGTANGHAL O HINDI
sa mismong paligsahan.
BY ORDER: management
Huwebes, Hulyo 31, 2008
Kung wala pa kayong aprubadong HARANA...
Kailangang pumunta ng pinuno ng inyong komite
sa isang NAPAKAHALAGANG PULONG-AMBULANSYA.
BIYERNES, 1 Agosto 2008, eksaktong 1:20 sa LABAS ng ITC.
Magdala kayo ng FLASH DRIVE
dahil kung wala pa kayong kanta
bibigyan ko na kayo.
Malamang 'DI NA PASASALIHIN ang wala roon.
HINDI MAAARING wala pa kayong kantang pinag-aaralan ngayong Sabado at Linggo.
HINDI MAAARING magtanghal kayo sa Martes nang pangit at hindi-pinaghirapan.
HINDI MAAARING mapahiya tayo sa mga imbitado nating magagandang hurado!
Malinaw?
Martes, Hulyo 29, 2008
Biyernes, Hulyo 25, 2008
Listahan ng Pagpipilian sa Harana
mali-mali o kulang ang impormasyon.
Pasensya sa mga tumingin sa Mac ng ITC bago mag-recess nang Biyernes 25 Agosto.
Mali ang listahang naroon. Ang tama ay iyong nasa MPR. Pero naayos na kanina.
Kung walang sagot sa reserbasyon ninyo, ibig sabihin baka kailangan pa ninyong MAGBASA (ng posts at mga puna).
90s
Ariel Rivera - Minsan Lang Kitang Iibigin
Ariel Rivera - Sana Kahit Minsan
Father And Sons - Miss Na Miss Kita
IAXE - Ako'y sa Iyo at Ika'y Akin Lamang
Ogie Alcasid - Dito Sa Puso Ko
Ogie Alcasid - Mahal Kita, Walang Iba
Ogie Alcasid - Peksman
rivermaya-hinahanap-hanap kita
South Border - Kahit Kailan
the company-hulog ng langit
the company-kung nagmamahal ka ako rin
the company-sana nga (ikaw na)
true faith - Kung OK Lang Sa'Yo
Wency Cornejo - Habang May Buhay
80s
Dingdong Avanzado - Basta't Kasama Kita
Dingdong Avanzado - Maghihintay Sa'yo
Dingdong Avanzado - Tatlong Beinte Singko
Gary Valenciano-di na natuto
Gary Valenciano-Narito
gino padilla - Gusto Kita
Louie Heredia - Nag Iisang Ikaw
Martin Nievera - Hanggang Kailan
Martin Nievera - Ikaw Ang Lahat Sa akin
Neocolours-bahala na
Randy Santiago - Damdaming Para Sayo
Randy Santiago - Hindi Magbabago
Smokey Mountain - Kailan
Zsazsa Padilla- Ikaw Lamang
70s
Basil Valdez-kahit ika'y panaginip lang
Basil Valdez-Ngayon at Kailanman
Basil Valdez-Sana IKaw Na Nga
Basil Valdez-Tunay Na Ligaya
Basil Valdez-tuwing umuulan at kapiling ka
Blue Jeans - Paniwalaan
Bong Gabriel - Ang Aking Awitin
Boyfriends - Nais Kong Malaman Mo
Dina Bonnevie - Bakit Ba Ganyan
Hotdog - Panaginip
Hotdog- Ikaw Ang Miss Universe ng Buhay Ko
Rey Valera - Naaalala Ka
The Company-araw-gabi
VST & Co - Ipagpatawad Mo
VST & Company - Ikaw Lang Ang Aking Mahal
KUNDIMAN
BITUING MARIKIT
MADALING ARAW
mutya niyaring puso
PAHIWATIG
ANAK DALITA
ang awit ko irog
IBONG SAWI
PAKIUSAP
walang kamatayan
KUNG HINDI MAN
natutulog ka na ba
ang langit ko'y ikaw
dungawin mo hirang
malamig ang simoy
tubig sa batisan
ang tangi kong pag-ibig
di ka na naawa
Celeste Legaspi - Gaano Ko Ikaw Kamahal
Celeste Legaspi- Dahil sayo
Martes, Hulyo 22, 2008
PINASIKAT
Layunin:
Maipagdiwang ang Filipinong paraan ng pagdidisenyo at pagpupugay sa Filipino.
Patakaran:
> Sa Pinoytuntunan, magdadala ang bawat klase ng isang malaking billboard na nagpapakita ng mga imahe/eksena/pangyayaring Filipino na tumatak at nagpakilala sa Pilipinas sa buong mundo (maaaring eksena ni Manny Pacquiao sa ring, ofw sa ibang bansa, EDSA Uno at iba pa). Maglalagay rin ng islogan o pahayag upang higit na maitampok ang gawain.
> Nakalagay sa isang buong illustration board ang billboard. Kailangang matibay ang pagkakatayo ng billboard sa pamamagitan ng paglalagay ng hawakan (mistulang plakard).
> Hindi maaaring gamiting pandisenyo ang anumang kadiri, makasasakit, makapipinsala o masyadong mahal.
> Kailangang kapansin-pansin mula sa malayo ang disenyo.
Hindi na kasali sa paligsahan ang anumang lahok na hindi sumunod sa alinmang patakaran.
Saan at Kailan:
Sa Pinoytuntunan, Miyerkules 13 Agosto
Binubungang Basketbolan
Pamantayan:
Pagka-Filipino 40
Kapansin-pansin at maganda mula sa malayo 30
Pinaghandaan 30
Gantimpala:
bandera para sa una, ikalawa, at ikatlong gantimpala sa bawat taon
NOYPInustura
Layunin:
Maipagdiwang ang bukod-tanging pagbibihis ng iba’t ibang klase ng Filipino sa iba’t ibang panahon at pagdiriwang.
Patakaran:
> Magbibihis ang isang miyembro ng klase batay sa sumusunod na motif na tatambalan ng mga Pilipinong disenyo at burloloy.
Unang Taon: Kasuotang Pantaglamig o Pantag-ulan
Ikalawang Taon: Kasuotang Pantag-init
Ikatlong Taon: Kasuotang Pormal
Ikaapat na Taon: Kasuotang Pantulog
> Kailangang lantarang kakikitaan ng pagka-Filipino/detalyeng Filipino ang kasuotan.
> Bawal ang koloreteng hindi matatanggal hanggang kinabukasan.
> Bawal ang nakahubad o halos nakahubad.
> Hindi na kasali sa paligsahan ang anumang lahok na hindi sumunod sa alinmang patakaran.
Saan at Kailan:
Sa Pinoytuntunan, Miyerkules 13 Agosto
Binubungang Basketbolan
Pamantayan:
Pagka-Filipino ng bihis sang-ayon sa motif 40
Pagdadala ng pananamit at sarili 30
Pagkapinaghandaan ng bihis at hitsura 30
Gantimpala:
bandera para sa una, ikalawa, at ikatlong gantimpala sa bawat taon
KRITIKIM Reserbasyon
1B Kare-kare
1C Sinigang na baboy
1D Tupig ng Ilocos
1E Adobo
1F Suman na may latik
1G Pancit Palabok
1H Bicol Express
1I Iba't ibang chicharon
1J Bibingka
1K Pichi-pichi
1L Kalderetang baka
1M Pakbet
1N Balut
1O Papaitan (dating Dinuguan)
2A Sushi (adobo at pritong tilapia ang laman)
2B Mangga at Suman
2C Papaitan
2D Sisig
2E Lechon
2F Chicken Inasal
2G Pritong kesong puti at sago't gulaman
2H Ginataang Alimasag
2I Buko Pansit
2J Halo-halo
2K Bicol Express
2L Arroz ala cubana
2M Kare-kare
2N Dinuguan
3A Balut
3B Halo-halo
3C Adobo
3D Inasal na manok
3E Lechon
3F Pancit luglog
3G Kaldereta
3H Laing
3I Guinomis
3J Spaghetti (Pinoy style)
3K Kare-kare
3L Saba con leche
3M Tilapiang may sisig
3N Arroz caldo at tokwa't baboy
4A Kare-kare
4B Kalderetang Kambing
4C Halo-halo con cheesecake
4D Bulalo
4E Adobong Pusit
4F Sinampalukang Manok
4G Adobong sugpo at alimango
4H Dinuguan
4I Munggo sa bulalo
4J Sisig Maki
4K Kilawing isda
4L Balut Surprise
4M Ginataang bilo-bilo
4N Adobong Baby Back Ribs
KRITIKIM Patakaran
Layunin:
Maipagdiwang ang tradisyon ng paghahain.
Patakaran:
> Pipili ang klase ng isang putaheng Filipino lamang.
> MOTIF : mga lutuing kinilala sa buong mundo: adobo, lechong paksiw, balot, sinigang; o mga pagkaing Pinoy na hinahanap-hanap ng mga dayuhan sa bansa: halu-halo, kakanin atbp.
> Kailangang sapat ang ihahanda para sa buong klase at mga bisita. Ngunit dapat may hiwalay na 3 hain para sa mga hurado.
> Maaari itong sa loob ng klase o sa pasilyo sa harap ng klase.
> Maaari nilang disenyuhan ang hapag at ang mismong pagkain.
> Magsaliksik ukol sa ihahain. Maghanda ng mga larawan, halimbawa at/o kuwento upang maipakita na talagang tanggap na tanggap ito ng mga dayuhan.
> Kailangang magpaliwanag nang pabigkas ang naghahanda ukol sa kanyang inihain. 1 – 3 minuto lamang ang bawat paliwanag.
> Tatlong minuto lamang ang itatagal ng mga hurado sa loob ng silid upang tumikim at makinig. Ipahahayag ng guro sa Filipino kung pang-ilan ang klase sa pupuntahan ng mga hurado
> Hindi na kasali sa paligsahan ang anumang lahok na hindi sumunod sa alinmang patakaran.
> Iparereserba ang napiling lahok sa komiteng mamahala ng timpalak. Hindi maaaring umulit ang pagkain sa isang antas. Ilalabas ang aprubadong lahok sa Pisara ng Wika sa lakarang Edsa isang araw pagkatapos magpareserba. Magpasa ng tatlong lahok o gawain at siguraduhing alinman sa tatlong mapipili ay ayos sa klase.
Pamantayan:
sarap ng handa 40
nakatatakam na pagkakahain 30
laman at linaw ng paliwanag 30
Saan at Kailan:
Kani-kaniyang silid-aralan
Biyernes, 8 Agosto, 1:15-2:15nh
Gantimpala:
bandera para sa una, ikalawa, at ikatlong gantimpala sa bawat taon
HARANA Reserbasyon
Ilang detalye at paalala:
1. Alam ng mga hurado ang tamang titik, tono, at saliw (accompaniment) ng mga kakantahin ninyo. Posible pa ngang paborito nila ang napili ninyo kahit ngayon n'yo lang narinig at pinag-aralan. Nakakahiya at sobrang hindi nakakainlab kung magkamali kayo ng kahit isang salita o isang nota.
2. Isa sa mga layunin ng timpalak na ito ang ipakilala sa inyo ang mga kantang napamahal sa Pilipino sa iba't ibang panahon. Ibig sabihin gusto rin naming may matutunan kayong bagong kanta. Kaya malamang hindi payagan ang awit ninyo kung masyado na itong sikat o gasgas. Siyempre hindi na rin naman nakakakilig kung lagi nang naririnig.
3. Pinaghirapan at pinagtulungan ang listahan ng mga kanta sa desktop ng kompyuter ng ITC. Pakinggan ninyo at mainit na iminumungkahing dito kayo mamili. Siguradong hindi kayo magsisisi.
Ayos?
1A south border-kahit kailan
1B father & sons-miss na miss kita
1C "Dito sa puso ko" - Ogie Alcasid
1D "Mahal Kita, Walang Iba " ni Ogie Alcasid
1E
1F "hinahanap-hanap kita" ng rivermaya
1G
1H naunahan na kayo
1I Ariel Rivera - Minsan Lang Kitang Iibigin
1J Ogie Alcasid - Peksman
1K habang may buhay-wency cornejo
1L naunahan uli kayo (dalawang comment lang sa itaas ng sa inyo)
1M True Faith-Kung OK lang sayo
1N ariel rivera-sana kahit minsan
1O iaxe-ako'y sa'yo at ika'y akin
2A "Nag-iisang Ikaw" ni Louie Heredia
2B "Ikaw Ang Lahat sa Akin" ni Martin Nievera
2C "Ikaw lamang" ni Zsa Zsa Padilla
2D "Narito" ni Gary Valenciano
2E "Damdaming Para Sa'yo" ni Randy Santiago
2F "NANDITO AKO" ni Ogie Alcasid
2G "Gusto kita" - Gino Padilla
2H Randy Santiago - Hindi Magbabago
2I Hanggang Kailan ni Martin Nievera
2J Dingdong Avanzado - Maghihintay Sa'yo
2K "Tatlong Beinte Singko" ni Dingdong Avanzado
2L Dingdong Avanzado - Basta't Kasama Kita
2M "Kailan" ng Smokey Mountain
2N "DI NA NATUTO" ni GARY VALENCIANO.
3A Basil Valdez-Sana Ay Ikaw Na Nga
3B Bong Gabriel - Ang Aking Awitin
3C "Dahil Mahal Kita" ng Boyfriends
3D "Maging Sino Ka Man" ni Rey Valera
3E boyfriends-bakit labis kitang mahal
3F "Tuwing Umuulan at Kapiling Ka" ni Basil Valdez
3G "Ikaw Pa Rin" ni Tito Mina
3H "Araw-gabi" ni Ryan Cayabyab
3I "Ikaw Lang ang Aking Mahal" ng VST $ Co.
3J "panaginip" ng hotdog
3K "Ipagpatawad Mo" ng VST & Co.
3L Basil Valdez-Ngayon at Kailanman
3M "Naaalala ka" ni Rey Valera
3N "Miss Universe" ng Hotdog
4A "Dahil Sa 'Yo" ni Celeste Legaspi, sandaang libong buntunghininga!
4B "ang langit ko'y ikaw"
4C ibong sawi
4D pakiusap
4E "Maalaala Mo Kaya" ni Pilita Corales
4F bituing marikit
4G malamig ang simoy
4H Ang Tangi Kong Pag-ibig ni Eva Eugenio.
4I ang awit ko irog
4J pahiwatig
4K "Sa Sulyap Mo" ni Diomedes Maturan
4L "Gaano Ko Ikaw Kamahal" ni Celeste Legaspi
4M "Minamahal, Sinasamba" nina florante aguilar at lori abucayan
4N "Dungawin Mo Hirang"
HARANA Patakaran
Layunin:
Panatilihing buhay ang tradisyon ng paawit na pagbigkas ng mga tula ng pag-ibig.
Patakaran:
> Tatlo hanggang limang (3-5) mag-aaral dapat ang magtatanghal. Kailangang lumikha ng musika ang bawat magtatanghal.
> Mga instrumentong di-nangangailangan ng kuryente o ng set-up lamang ang maaaring gamitin. Bawal ang keyboard, electric guitar, o drums. Maaari ang kahon, gitara, biyolin.
> Kailangang pumasok sa sumusunod na kategorya ang awiting ilalahok ng bawat taon:
Unang Taon—Taong--Dekada 90
Ikalawang Taon--Dekada 80
Ikatlong Taon--Dekada 70
Ikaapat na Taon— Kundiman
> Isang awit lang ang maaaring kantahin. Kailangang bahagi ito ng tradisyon ng Filipinong awit ng pag-ibig.
> May mga mp3 sa kompyuter ng ITC na maaaring pakinggan at pagpilian. Maaaring kopyahin ang awit lamang na balak pag-aralan. Hinihikayat ang mga klaseng pumili mula sa listahang ito ngunit maaari ring magmungkahi ng mga awit na wala sa listahan.
> Bahala na ang grupong kapain ang awit o maghanap ng piyesa. Hindi nila maaaring baguhin ang titik o tono ng awit. Areglo lamang ng instrumento o boses ang maaaring baguhin.
> Kailangang Filipino ang titik ng awit na pipiliin.
> Kailangan ding magbigay ang grupo ng masuyong pambungad sa kanilang awit na hindi lalagpas ng isang minuto. Maaaring mga salita ito ng pag-ibig para sa hinaharana at/o kaya’y pagpapakilala sa kakantahin.
> Iparereserba ang napiling lahok sa komiteng mamahala ng timpalak. Hindi maaaring umulit ang awit sa isang antas. Ilalabas ang aprubadong lahok sa Pisara ng Wika sa lakarang Edsa isang araw pagkatapos magpareserba. Magpasa ng tatlong lahok o gawain at siguraduhing alinman sa tatlong mapipili ay ayos sa klase.
> Hindi na kasali sa paligsahan ang anumang lahok na hindi sumunod sa alinmang panuto.
Saan at Kailan:
Martes, 5 Agosto, 4-530nh (ang mga klaseng 2C at 2D ay huling magtatanghal dahil sa SSP)
Ihahayag ng guro sa Filipino kung saan magaganap ang timpalak
Pamantayan:
pagbigkas ng titik (lyrics) 40
Musikalidad 30
Nakakainlab 30
Gantimpala:
bandera para sa una, ikalawa, at ikatlong gantimpala sa bawat taon
PATINIKAN Patakaran
Layunin:
Itaguyod ang higit na pagkilala sa galing at husay ng Filipino sa buong mundo.
Patakaran:
> Pag-aralan ang mga tanong at/o bibliyograpiyang ibibigay.
> Magkakagrupo uli ang magkakaseksyon sa apat na taon (2 ang kinatawan ng mga nasa unang taon maliban sa 1N at 1O)
> Asahang mahihirap ang mga tanong tulad ng: Ano’ng pelikulang Pilipino ang kauna-unahang nanalo sa Cannes Film Festival?; Sa anong kompetisyon nanalo ang Loboc Children’s Choir? atbp.
Saan at Kailan:
ITC1
Huwebes, 7 Agosto, 4:00 - -5:15 nh (ipagpapaalam sa APAA ang mga kinatawan ng mga nasa unang taon at ng mga klaseng may SSP sa ikalawang taon)
Pamantayan:
puntos at pasya ng mga hurado
Mga Paksa:
mga detalyeng may kaugnayan sa pag-angat at pagkilala sa mga Pilipino sa daigdig:
pelikula, musika, balita, pamumuno, imbensyon, lugar, pangyayari at iba pa.
bibigyan ang klase ng bibliyograpiya at listahan ng mga maaaring itanong bago ang timplak.
Gantimpala:
bandera para sa una, ikalawa, at ikatlong gantimpala sa bawat taon
PISTAMBAYAN Reserbasyon
1B Guro
1C Cardinal Sin
1D Cory Aquino
1E
1F Anthony Villanueva
1G Manny Pacquiao
1H Leah Salonga
1I
1J Tony Meloto
1K
1L
1M Mga OFW
1N Magsasaka
1O Benigno Aquino
2A Virgin Coconut Oil
2B Ukay-ukay
2C Abaka
2D Sapatos ng Marikina
2E Mangga
2F Magic Sing
2G Jollibee
2H Dried Mangoes
2I Abaniko
2J wood Carvings
2K Jeep
2L Recycled juice pack bags
2M Banig
2N Yoyo
3A Pantanggal ng Nunal
3B Karaoke
3C Moon Buggy
3D Bio-diesel
3E Tubig-Talino
3F Khaos Super Turbo Charger
3G Early Warning Device
3H Virgin Coconut Oil
3I Flourescent bulb
3J Patis na Tuba
3K Incubator
3L Water Powered Car
3M Videophone
3N Artificial Coral Reef
4A Sili King
4B Pinakamahabang Parasa ng VW (Beetle)
4C Jollibee
4D Pinakamalaking Koleksyon ng Sapatos (Imelda Marcos)
4E Pinakamahabang Linya ng Nahugasang Plato
4F Banawe Rice Terraces
4G Pinakamahabang Ihawan (Grill)
4H Pinakamalaking parol sa mundo (San Fernando, Pampanga)
4I Malls sa Pilipinas
4J EDSA
4K Lovapalooza
4L Buko King
4M Texting Capital ng Mundo
4N Corruption
PISTAMBAYAN Patakaran
Layunin:
1. Lumikha ng kaligirang pista sa pangunahing tambayan ng mga mag-aaral: ang silid-aralan.
2. Maipagdiwang ang Filipinong paraan ng pagdidisenyo.
Patakaran:
> Pushpins/masking tape lang ang puwedeng gamitin sa pagdidikit ng disenyo sa mga pasilidad ng paaralan dahil hindi ito nakasasakit kahit maapakan ni nakasisira nang labis ng pintura o kahoy.
> Kailangang mga kagamitang niresaykel ang pandisenyo o anumang kagamitang mura at madaling makuha. Hindi dapat pagkagastusan nang malaki ang disenyo. Ngunit hindi rin dapat magmukhang yagit ang disenyo.
> Kailangang makatatagal nang isang linggo ang disenyo. Hindi maaari ang disenyong nabubulok agad o madaling matanggal o kailangang tanggalin pagkatapos ng paghuhusga.
Maaari nang ihanda ang mga ididikit o ipapaskil ngunit sabay-sabay gaganapin ang mismong pagdidisenyo.
> Kailangan ding hindi makaaabala sa anumang gawaing pampaaralan ang disenyo. Kailangang nadaraanan at nalilinis pa rin ang mga pasilyo at pintuan, dumadaloy ang hangin sa silid-aralan, kailangang nauupuan pa rin ang bangko, atbp.
> Kailangang hindi lumilikha ng panganib ang disenyo.
Ang pasilyo, pader, at kisame sa harap ng klase ang didisenyuhan. Hindi maaaring disenyuhan ang katapat na pader o espasyo.
> Hindi na kasali sa paligsahan ang anumang lahok na hindi sumunod sa alinmang panuto.
MOTIF:
Unang Taon : Mga makabagong bayani/ mga Pilipinong sikat sa pamumuno
Ikalawang Taon : Mga iniaangkat o ginagaya ng ibang bayan
Ikatlong Taon : Mga imbentor at/o imbensyong Pilipino
Ikaapat na Taon : Pinoy World Records
Iparereserba ang napiling lahok sa komiteng mamahala ng timpalak. Hindi maaaring umulit ang disenyo sa isang antas. Ilalabas ang aprubadong lahok sa Pisara ng Wika sa lakarang Edsa isang araw pagkatapos magpareserba. Magpasa ng tatlong lahok o gawain at siguraduhing alinman sa tatlong mapipili ay ayos sa klase.
Saan at Kailan:
Sa mga pasilyo ng bawat silid-aralan
Lunes, 4 Agosto, 3:45-4:45 (4:45 – 5:45 naman ang mga nasa ikalawang antas, pagkatapos
ng kanilang klaseng A-Spark).
Pamantayan:
Bangis ng disenyo 40
Pagka-Filipino ng disenyo 30
pagkamaparaan sa pagtitipid 30
Gantimpala:
bandera para sa una, ikalawa, at ikatlong gantimpala sa bawat taon
MAKATANAGA Patakaran
Layunin:
1. Ipagpatuloy ang tradisyon ng tanaga.
2. Itaguyod ang paksa para sa taong ito.
Patakaran:
> Kailangang may 4 na linya, 7 pantig/linya ang tula.
> AAAA na tugmang Tagalog ang susundan.
> Kailangang Filipinong talinghaga ang naghahatid ng mensahe ng tula.
> Huwag lagyan ng pamagat ni paliwanag ang tula.
> Kailangang isinulat ng isang estudyante o grupo ng mga estudyante mula sa klase ang tula. Maaari lamang magbigay ng puna ang guro sa Filipino, hindi magmungkahi.
TEMA: Angkan ng Pilipino : Angat sa Mundo !
> Hindi kinakailangang pormal ang antas ng wikang gagamitin. Maaaring gumamit ng mga salitang balbal o inampon.
> Hindi na kasali sa paligsahan ang anumang lahok na hindi sumunod sa alinmang patakaran.
> Pipili ang bawat klase ng iboboto nilang Tanaga na siya nilang hihirangin bilang lahok ng klase. Gagawin ito sa isang sesyon nila sa Filipino.
> Pipili ang bawat klase ng Tanaga ng Taon mula sa apat na tanagang nagwagi ng unang gantimpala sa bawat antas.
Pamantayan:
pagsunod sa mga kahingian ng anyo (sukat at tugma) 20
angkop at malakas ang talinghaga 20
Filipinong-Filipino ang talinghaga at pagkakasabi 20
malinaw na naipalalabas ang temang iminungkahi 20
masarap sauluhin, bigkasin, at pag-isipan 20
Saan at Kailan:
Gagawin at pakikinisin sa silid-aralan
Ipapasa sa Miyerkules, 30 Hulyo, 4:00 nh
TEMA
Tema: Angkan ng Pilipino: Angat sa Mundo!
Kalibreng Pandaigdig na talaga ang Pinoy. Tunay ngang kinikilala ng buong mundo ang husay ng Filipino. Namumukod-tangi. Hinahangaan. Pinararangalan.
Saan mo man ilagay, ang Filipino ay tiyak na mamumukod-tangi. Ano man ang gawin, tiyak na tayo ay hahangaan. Ano mang laban ang harapin, pararangalan at pagtatagumpayan ng lahi. Kahit saan ka magpunta, ang bakas ng pagka-Filipino ay makikita at mararamdaman.
Ang mga pagkaing Filipino, dinarayo at binabalik-balikan ng mga dayuhan. Ang mga Filipinong pasyalan at pagdiriwang, talagang dinarayo at sinasalihan. Ang mga larangang sinasalihan, tumatatak sa lahat ng tao. Ibang klase talaga ang Pinoy, kinabibiliban ng mundo!
Halina’t ipagdiwang natin ang pamamayani ng ating angkan sa buong daigdig!
Lunes, Hulyo 21, 2008
Kung Paano Magpareserba
1. Konsultahin ang komite, klase, at guro sa Filipino ukol sa iyong iparereserba.
2. Tiyaking sumunod sa mga patakaran ang pinarereserba.
3. Pumunta sa paskil na "_____________ Reserbasyon".
4. Tiyaking wala pang nauuna sa iyo sa pinarereserba. Sundan din ang sinulid mga naunang puna.
5. Maglagay ng puna (comment) na naglalaman ng iyong pangalan, seksyon, at pinarereserba.
6. Ang mga reserbasyong ginawa paglagpas ng 10 n.g. ay kinabukasan pa maisasaalang-alang.
7. Kung umabot ka sa 10 n.g., kinabukasan malalaman mo na kung aprubado o hindi ang iyong reserbasyon.
Ayos? Malinaw?
Panahon na naman...
Ang blog na ito ang elektronikong bersyon ng Pisara ng Linggo ng Wika 2008 sa EDSA.
Makikita mo rito ang mga patakaran at iskedyul at anumang pagbabago sa mga ito.
Dito ka rin magpapareserba para sa Harana, Pistambayan at Kritikim. Paano? Tingnan ang paskil na "Kung Paano Magpareserba".
Sige, pare.
Maligayang Linggo ng Wika at...
Todo bigay!