Martes, Hulyo 22, 2008

TEMA

Tema: Angkan ng Pilipino: Angat sa Mundo!

Kalibreng Pandaigdig na talaga ang Pinoy. Tunay ngang kinikilala ng buong mundo ang husay ng Filipino. Namumukod-tangi. Hinahangaan. Pinararangalan.

Saan mo man ilagay, ang Filipino ay tiyak na mamumukod-tangi. Ano man ang gawin, tiyak na tayo ay hahangaan. Ano mang laban ang harapin, pararangalan at pagtatagumpayan ng lahi. Kahit saan ka magpunta, ang bakas ng pagka-Filipino ay makikita at mararamdaman.

Ang mga pagkaing Filipino, dinarayo at binabalik-balikan ng mga dayuhan. Ang mga Filipinong pasyalan at pagdiriwang, talagang dinarayo at sinasalihan. Ang mga larangang sinasalihan, tumatatak sa lahat ng tao. Ibang klase talaga ang Pinoy, kinabibiliban ng mundo!

Halina’t ipagdiwang natin ang pamamayani ng ating angkan sa buong daigdig!


Walang komento: