Martes, Hulyo 22, 2008

PISTAMBAYAN Patakaran

PISTAMBAYAN

Layunin:
1. Lumikha ng kaligirang pista sa pangunahing tambayan ng mga mag-aaral: ang silid-aralan.
2. Maipagdiwang ang Filipinong paraan ng pagdidisenyo.

Patakaran:
> Pushpins/masking tape lang ang puwedeng gamitin sa pagdidikit ng disenyo sa mga pasilidad ng paaralan dahil hindi ito nakasasakit kahit maapakan ni nakasisira nang labis ng pintura o kahoy.

> Kailangang mga kagamitang niresaykel ang pandisenyo o anumang kagamitang mura at madaling makuha. Hindi dapat pagkagastusan nang malaki ang disenyo. Ngunit hindi rin dapat magmukhang yagit ang disenyo.

> Kailangang makatatagal nang isang linggo ang disenyo. Hindi maaari ang disenyong nabubulok agad o madaling matanggal o kailangang tanggalin pagkatapos ng paghuhusga.
Maaari nang ihanda ang mga ididikit o ipapaskil ngunit sabay-sabay gaganapin ang mismong pagdidisenyo.

> Kailangan ding hindi makaaabala sa anumang gawaing pampaaralan ang disenyo. Kailangang nadaraanan at nalilinis pa rin ang mga pasilyo at pintuan, dumadaloy ang hangin sa silid-aralan, kailangang nauupuan pa rin ang bangko, atbp.

> Kailangang hindi lumilikha ng panganib ang disenyo.
Ang pasilyo, pader, at kisame sa harap ng klase ang didisenyuhan. Hindi maaaring disenyuhan ang katapat na pader o espasyo.

> Hindi na kasali sa paligsahan ang anumang lahok na hindi sumunod sa alinmang panuto.

MOTIF:
Unang Taon : Mga makabagong bayani/ mga Pilipinong sikat sa pamumuno
Ikalawang Taon : Mga iniaangkat o ginagaya ng ibang bayan
Ikatlong Taon : Mga imbentor at/o imbensyong Pilipino
Ikaapat na Taon : Pinoy World Records

Iparereserba ang napiling lahok sa komiteng mamahala ng timpalak. Hindi maaaring umulit ang disenyo sa isang antas. Ilalabas ang aprubadong lahok sa Pisara ng Wika sa lakarang Edsa isang araw pagkatapos magpareserba. Magpasa ng tatlong lahok o gawain at siguraduhing alinman sa tatlong mapipili ay ayos sa klase.

Saan at Kailan:
Sa mga pasilyo ng bawat silid-aralan
Lunes, 4 Agosto, 3:45-4:45 (4:45 – 5:45 naman ang mga nasa ikalawang antas, pagkatapos
ng kanilang klaseng A-Spark).

Pamantayan:

Bangis ng disenyo 40
Pagka-Filipino ng disenyo 30
pagkamaparaan sa pagtitipid 30

Gantimpala:
bandera para sa una, ikalawa, at ikatlong gantimpala sa bawat taon

1 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ipinapareserve po ng klase ng 4J:

1. Simbang Gabi (Pilipinas lang ang meron)

2. Jeepneys

3. Tricycles