Martes, Hulyo 22, 2008

HARANA Patakaran

HARANA

Layunin:
Panatilihing buhay ang tradisyon ng paawit na pagbigkas ng mga tula ng pag-ibig.

Patakaran:
> Tatlo hanggang limang (3-5) mag-aaral dapat ang magtatanghal. Kailangang lumikha ng musika ang bawat magtatanghal.

> Mga instrumentong di-nangangailangan ng kuryente o ng set-up lamang ang maaaring gamitin. Bawal ang keyboard, electric guitar, o drums. Maaari ang kahon, gitara, biyolin.

> Kailangang pumasok sa sumusunod na kategorya ang awiting ilalahok ng bawat taon:
Unang Taon—Taong--Dekada 90
Ikalawang Taon--Dekada 80
Ikatlong Taon--Dekada 70
Ikaapat na Taon— Kundiman

> Isang awit lang ang maaaring kantahin. Kailangang bahagi ito ng tradisyon ng Filipinong awit ng pag-ibig.

> May mga mp3 sa kompyuter ng ITC na maaaring pakinggan at pagpilian. Maaaring kopyahin ang awit lamang na balak pag-aralan. Hinihikayat ang mga klaseng pumili mula sa listahang ito ngunit maaari ring magmungkahi ng mga awit na wala sa listahan.

> Bahala na ang grupong kapain ang awit o maghanap ng piyesa. Hindi nila maaaring baguhin ang titik o tono ng awit. Areglo lamang ng instrumento o boses ang maaaring baguhin.

> Kailangang Filipino ang titik ng awit na pipiliin.

> Kailangan ding magbigay ang grupo ng masuyong pambungad sa kanilang awit na hindi lalagpas ng isang minuto. Maaaring mga salita ito ng pag-ibig para sa hinaharana at/o kaya’y pagpapakilala sa kakantahin.

> Iparereserba ang napiling lahok sa komiteng mamahala ng timpalak. Hindi maaaring umulit ang awit sa isang antas. Ilalabas ang aprubadong lahok sa Pisara ng Wika sa lakarang Edsa isang araw pagkatapos magpareserba. Magpasa ng tatlong lahok o gawain at siguraduhing alinman sa tatlong mapipili ay ayos sa klase.

> Hindi na kasali sa paligsahan ang anumang lahok na hindi sumunod sa alinmang panuto.

Saan at Kailan:
Martes, 5 Agosto, 4-530nh (ang mga klaseng 2C at 2D ay huling magtatanghal dahil sa SSP)
Ihahayag ng guro sa Filipino kung saan magaganap ang timpalak

Pamantayan:
pagbigkas ng titik (lyrics) 40
Musikalidad 30
Nakakainlab 30

Gantimpala:
bandera para sa una, ikalawa, at ikatlong gantimpala sa bawat taon

1 komento:

serpao ayon kay ...

Pagbabago sa Patakaran

Pansinin na iba ang mga dekadang nakatakda sa bawat taon sa unang bersyon ng polyeto.

TAON MALI TAMA
1 2000+ 90s
2 90s 80s
3 80s 70s

kundiman pa rin ang ikaapat na taon