Martes, Hulyo 22, 2008

MAKATANAGA Patakaran

MAKATANAGA

Layunin:
1. Ipagpatuloy ang tradisyon ng tanaga.
2. Itaguyod ang paksa para sa taong ito.

Patakaran:
> Kailangang may 4 na linya, 7 pantig/linya ang tula.
> AAAA na tugmang Tagalog ang susundan.
> Kailangang Filipinong talinghaga ang naghahatid ng mensahe ng tula.
> Huwag lagyan ng pamagat ni paliwanag ang tula.
> Kailangang isinulat ng isang estudyante o grupo ng mga estudyante mula sa klase ang tula. Maaari lamang magbigay ng puna ang guro sa Filipino, hindi magmungkahi.

TEMA: Angkan ng Pilipino : Angat sa Mundo !

> Hindi kinakailangang pormal ang antas ng wikang gagamitin. Maaaring gumamit ng mga salitang balbal o inampon.

> Hindi na kasali sa paligsahan ang anumang lahok na hindi sumunod sa alinmang patakaran.

> Pipili ang bawat klase ng iboboto nilang Tanaga na siya nilang hihirangin bilang lahok ng klase. Gagawin ito sa isang sesyon nila sa Filipino.

> Pipili ang bawat klase ng Tanaga ng Taon mula sa apat na tanagang nagwagi ng unang gantimpala sa bawat antas.

Pamantayan:
pagsunod sa mga kahingian ng anyo (sukat at tugma) 20
angkop at malakas ang talinghaga 20
Filipinong-Filipino ang talinghaga at pagkakasabi 20
malinaw na naipalalabas ang temang iminungkahi 20
masarap sauluhin, bigkasin, at pag-isipan 20

Saan at Kailan:
Gagawin at pakikinisin sa silid-aralan
Ipapasa sa Miyerkules, 30 Hulyo, 4:00 nh

Walang komento: