NOYPINUSTURA
Layunin:
Maipagdiwang ang bukod-tanging pagbibihis ng iba’t ibang klase ng Filipino sa iba’t ibang panahon at pagdiriwang.
Patakaran:
> Magbibihis ang isang miyembro ng klase batay sa sumusunod na motif na tatambalan ng mga Pilipinong disenyo at burloloy.
Unang Taon: Kasuotang Pantaglamig o Pantag-ulan
Ikalawang Taon: Kasuotang Pantag-init
Ikatlong Taon: Kasuotang Pormal
Ikaapat na Taon: Kasuotang Pantulog
> Kailangang lantarang kakikitaan ng pagka-Filipino/detalyeng Filipino ang kasuotan.
> Bawal ang koloreteng hindi matatanggal hanggang kinabukasan.
> Bawal ang nakahubad o halos nakahubad.
> Hindi na kasali sa paligsahan ang anumang lahok na hindi sumunod sa alinmang patakaran.
Saan at Kailan:
Sa Pinoytuntunan, Miyerkules 13 Agosto
Binubungang Basketbolan
Pamantayan:
Pagka-Filipino ng bihis sang-ayon sa motif 40
Pagdadala ng pananamit at sarili 30
Pagkapinaghandaan ng bihis at hitsura 30
Gantimpala:
bandera para sa una, ikalawa, at ikatlong gantimpala sa bawat taon
Martes, Hulyo 22, 2008
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
1 komento:
NAGBIBINATA po para sa 2L
Mag-post ng isang Komento