KRITIKIM
Layunin:
Maipagdiwang ang tradisyon ng paghahain.
Patakaran:
> Pipili ang klase ng isang putaheng Filipino lamang.
> MOTIF : mga lutuing kinilala sa buong mundo: adobo, lechong paksiw, balot, sinigang; o mga pagkaing Pinoy na hinahanap-hanap ng mga dayuhan sa bansa: halu-halo, kakanin atbp.
> Kailangang sapat ang ihahanda para sa buong klase at mga bisita. Ngunit dapat may hiwalay na 3 hain para sa mga hurado.
> Maaari itong sa loob ng klase o sa pasilyo sa harap ng klase.
> Maaari nilang disenyuhan ang hapag at ang mismong pagkain.
> Magsaliksik ukol sa ihahain. Maghanda ng mga larawan, halimbawa at/o kuwento upang maipakita na talagang tanggap na tanggap ito ng mga dayuhan.
> Kailangang magpaliwanag nang pabigkas ang naghahanda ukol sa kanyang inihain. 1 – 3 minuto lamang ang bawat paliwanag.
> Tatlong minuto lamang ang itatagal ng mga hurado sa loob ng silid upang tumikim at makinig. Ipahahayag ng guro sa Filipino kung pang-ilan ang klase sa pupuntahan ng mga hurado
> Hindi na kasali sa paligsahan ang anumang lahok na hindi sumunod sa alinmang patakaran.
> Iparereserba ang napiling lahok sa komiteng mamahala ng timpalak. Hindi maaaring umulit ang pagkain sa isang antas. Ilalabas ang aprubadong lahok sa Pisara ng Wika sa lakarang Edsa isang araw pagkatapos magpareserba. Magpasa ng tatlong lahok o gawain at siguraduhing alinman sa tatlong mapipili ay ayos sa klase.
Pamantayan:
sarap ng handa 40
nakatatakam na pagkakahain 30
laman at linaw ng paliwanag 30
Saan at Kailan:
Kani-kaniyang silid-aralan
Biyernes, 8 Agosto, 1:15-2:15nh
Gantimpala:
bandera para sa una, ikalawa, at ikatlong gantimpala sa bawat taon
Martes, Hulyo 22, 2008
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
1 komento:
Mag-post ng isang Komento