PINASIKAT
Layunin:
Maipagdiwang ang Filipinong paraan ng pagdidisenyo at pagpupugay sa Filipino.
Patakaran:
> Sa Pinoytuntunan, magdadala ang bawat klase ng isang malaking billboard na nagpapakita ng mga imahe/eksena/pangyayaring Filipino na tumatak at nagpakilala sa Pilipinas sa buong mundo (maaaring eksena ni Manny Pacquiao sa ring, ofw sa ibang bansa, EDSA Uno at iba pa). Maglalagay rin ng islogan o pahayag upang higit na maitampok ang gawain.
> Nakalagay sa isang buong illustration board ang billboard. Kailangang matibay ang pagkakatayo ng billboard sa pamamagitan ng paglalagay ng hawakan (mistulang plakard).
> Hindi maaaring gamiting pandisenyo ang anumang kadiri, makasasakit, makapipinsala o masyadong mahal.
> Kailangang kapansin-pansin mula sa malayo ang disenyo.
Hindi na kasali sa paligsahan ang anumang lahok na hindi sumunod sa alinmang patakaran.
Saan at Kailan:
Sa Pinoytuntunan, Miyerkules 13 Agosto
Binubungang Basketbolan
Pamantayan:
Pagka-Filipino 40
Kapansin-pansin at maganda mula sa malayo 30
Pinaghandaan 30
Gantimpala:
bandera para sa una, ikalawa, at ikatlong gantimpala sa bawat taon
Martes, Hulyo 22, 2008
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
3 komento:
JM Mercado 3G- Boracay....
Juaneo Fernando, 1-J, Ninoy Aquino.
Jude Geron, 1-B, EDSA
Mag-post ng isang Komento